WebClick Tracer

P6.8M shabu nasabat sa Pasig

Tinatayang P6.8 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat mula sa umano’y high-value individual (HVI) sa isang buy-bust operation sa Pasig City.

Isinagawa ang operasyon sa C. Raymundo Avenue, Barangay Caniogan noong Setyembre 26, kung saan naaresto ang 22-anyos na lalaki na kinilalang si alyas Amo.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang kilo na shabu, buy-bust money, weighing scale, sling bag, identification card at isang motorsiklo.

Nahaharap ang suspek sa mga kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (AM)