Bukod sa pag-aadjust sa bagong koponan, may isa pang hindi inaasahang hamon si Giannis Antetokounmpo sa paglipat niya sa Miami Heat, ito ay ang mga iguana na madalas umanong nakikita sa paligid ng kanyang bagong tahanan.
Sa media day ng koponan, ibinahagi ni Antetokounmpo ang video ng malalaking iguana na gumagala malapit sa kanyang swimming pool.
“If the iguanas keep on coming, I’ll probably move, maybe get an apartment. No pools, no grass, none of that stuff,” saad niya.
“When I came here in July somebody told me they were kind of cute. They’re not cute. They’re not cute. It’s scary. But I’ll get used to it, hopefully. We’ll see,” dagdag pa niya.
Samantala, mas malaking adjustment naman ang naghihintay sa kanya sa basketball matapos lumipat mula Milwaukee Bucks patungong Miami Heat.
Kasama niya sa bagong roster sina Klay Thompson, Bobby Portis at Tim Hardaway Jr., bukod kina Bam Adebayo at Andrew Wiggins.
Sinabi ni Antetokounmpo na kailangan niyang matutunan ang bagong sistema, depensa at paraan ng pakikipaglaro sa mga bagong kakampi, at tiniyak na magsisikap naman siya para sa kanyang pangunahing layunin na manalo ng kampeonato. (AM)


