WebClick Tracer

‘Mukhang mugshot ng kriminal’: Ellen Adarna muntik ideklarang nawawala ang passport

Ellen Adarna nagbahagi ng kanyang visa size passport photo sa Instagram na muntik na niyang ideklarang nawawala

Excited na si Ellen Adarna sa hinihintay nitong pag-e-expire ng kanyang passport, na muntik na niyang i-declare na nawala dahil mukha raw siyang kriminal sa photo.

Sa kanyang IG ipinangalandakan ni Ellen ang visa size photo na gandang-ganda sya sa kanyang sarili.

Sey ni Ellen sa caption ng passport ID nya, “Gotta serve some emote for that visa passport.”

Hindi bet at tila asiwang-asiwa si Ellen sa photo ng kanyang passport, kaya paghahandaan raw nyang magiging maganda ang itsura itsura sa susunod na renewal.

Biniro pa si Ellen ng tila kaibigan na mag-emote ng todo dahil isang dekadang nakatatak ang mukha nito sa kanyang passport.

Sabi pa nito, “Emote Good for 10 years!”

Tugon naman dito ni Ellen, “to recovermy passport photo that looks like a mugshot of criminal 2018, omg you double check the immigration because it looks like i’m dead. Fortunately, it’s almost expired…I’m almost ready to declare my lost passport if it’s not always a hassle to get a new passport awwww hahaha next time i’ll have a glam team for renewal. Just wait. I learned my lesson. I am wise now ahahahaha char”.

Kanya-kanya namang bida ang mga netizen sa pagkumpara nila kay Ellen.

“Hala dapat ganito rin ere ang sa atin, kaloka DFA na yan ha? Pag hindi celebrity di tumatalab ang ganda gandahan.”

“Sana all guwapa sa picture.” (Rey Pumaloy)