Itinaas na rin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pamasahe sa EDSA Busway kasunod ng pagpapatupad ng mga bagong fare rate para sa mga public utility vehicle (PUV).
Simula Setyembre 28, ang minimum fare sa unang 5 kilometro ay P18, habang may dagdag na P2.98 kada susunod na kilometro para sa northbound at southbound routes.
Mula ito sa dating P15 minimum fare at P2.65 kada succeeding kilometer.
Inaprubahan ng Department of Transportation (DOTr) ang fare increases matapos irekomenda ng LTFRB na alisin ang fare hike suspension na ipinatupad noong Marso 2026 dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis. (AM)


