WebClick Tracer

Mga kasambahay sa Central Visayas makakatanggap ng P500 monthly wage hike

DOLE official announcement of the P500 monthly wage hike for kasambahay in Central Visayas

Makakatanggap ng dagdag na P500 bawat buwan sa minimum wage ang mga domestic worker o kasambahay sa Central Visayas simula sa susunod na buwan, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Sa ilalim ng Wage Order No. ROVII-DW-06, itataas ang minimum monthly wage ng mga kasambahay mula P7,000 tungo sa P7,500.

Saklaw nito ang mga general house helper, yaya, cook, gardener, laundry worker at iba pang regular na gumagawa ng household work bilang hanapbuhay.

Hindi naman kasama rito ang mga service provider, family driver, at mga taong paminsan-minsan o hindi regular na gumagawa ng household work.

Saklaw ng wage increase ang buong Central Visayas, kabilang ang Negros Oriental at Siquijor.

Magkakabisa naman umano ang bagong minimum wage sa Oktubre 14, o 15 araw matapos mailathala ang wage order. (AM)