Hindi pa umano napag-uusapan sa Malacañang kung sino ang magiging pambato ng administrasyon sa 2028 elections.
Tugon ito ng Palasyo kasunod ng inilutang ng isang political strategist na tinitingnan umano ng Malacañang ang posibleng tambalan nina Naga City Mayor Leni Robredo at dating senador Manny Pacquiao sa 2028 elections.
Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, walang impormasyon patungkol sa tambalan ng magiging pambato ng administrasyon dahil ang tutok ngayon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay ang pagtugon sa problema ng el niño.
Bukod pa rito aniya ang paglutas sa epektong dulot ng krisis sa Middle East kayat isinasantabi muna ng administrasyon ang isyung pampulitika.
Kasabay nito pinitik ni Castro ang political strategist na nagpalutang sa Leni-Pacquiao tandem na aniya ay sarili lamang nitong political strategy ito dahil hindi naman siya parte ng administrasyon. (Aileen Taliping)


