WebClick Tracer

Leachon: Pagbaba ng budget sa PhilHealth, pagtaas sa MAIFIP paglabag sa Universal Health Care Act

Posibleng umanong lumabag sa Universal Health Care (UHC) Act ang patuloy na pagbaba ng pondo para sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) habang tumataas naman ang budget para sa Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP) program ng Department of Health (DOH).

“Through the years, bumaba ang PhilHealth budget, tumataas ‘yung MAIFIP,” ani health reform advocate Dr. Tony Leachon sa panayam sa programang “The Spokes”.

Paliwanag niya, “In 2026, P130 billion yung budget natin for PhilHealth pero nagbayad tayo ng P60 billion so in reality, ang budget ng PhilHealth etong 2026 is P69 billion lang kasi nagbayad tayo.”

“Tapos mas mataas pa yung MAIFIP last year, P53 billion… ‘yung ayuda,” dagdag pa ni Leachon.

Ayon sa kanya, dapat umanong suriin kung ang ganitong sistema ay naaayon sa mandato ng UHC Act, dahil sa halip na dumaan sa health insurance coverage, mas umaasa umano ang ilang pasyente sa government medical assistance.

Panoorin ang buong panayam kay Leachon sa September 29 episode ng programang “The Spokes”.

Mapapanood ang programa tuwing Lunes hanggang Biyernes sa Free TV: Channel 31, Cignal: Channel 24, Samsung TV Plus, TCL Smart TV, Cignal Play, at sa official YouTube and Facebook pages ng Bilyonaryo News Channel.