Biglang napanatag ang maraming faney at nawala ang lungkot ng mga ito sa pinakahuling paramdam ng KimPau sa social media.
Bigla kasing sumulpot ang larawan nina Kim Chiu at Paulo Avelino kasama si Atty. Joji Alonso, producer ng Quantum Films at ng latest movie ng dalawa na pinamagatang “A Perfect Marriage”.
Ibinibida ni Atty. Joji ang bonding nila ng mga sandaling iyon at tila pasasalamat dahil natapos na ang nabanggit na movie.
“What a journey this has been, literally and figuratively! Grateful to you both for trusting me, Dan, Chris. Therese and the entire team.
“Pick lock na po kami!”
Mismong si Paulo pa ang humawak ng cellphone para sa selfie nilang tatlo.
Buong tamis namang uma-anggulo si Kim kasabay ng kanyang mga ngiti.
Nasa comment section ang kaligayahan ng KimPaulandia. Ang iba nagpapasalamat pa kay Atty. Joji.
“My KimPau. Super pretty naman ni Kimmy.”
“Happy to see yu Kimmy. My KimPau.”
“Super happy to see my happy pill. KimPau. Thank you Atty. Joji for this beautiful photo.”
“Omg Kimmy subrang na miss kita salamat sau atty. dahil nakita ko atecooo.”
“Omg!!!! Thank you Atty!!! Miss na miss (ko) na ang dalawang yan.”
Sa direct message naman sa amin ng ilang mga KimPaulandia, ikinatuwa rin nila ang tibay ni Kimmy.
“Kimmy is still smiling through it all.”
Kamakailan, nakapag-piyansa si Lakam sa bisa ng bail kaugnay sa qualified theft criminal case na isinampa ni Kim laban sa kapatid.
Pero bago nakapagpiyansa, humarap si Kimmy sa arraignment ng ate nya.
Wala pang final announcement kung makakasama sa last set of finalist para sa MMFF26 ang KimPau. Pero kumalat nang pumasok na ito as official entry sa nabanggit na Festival. (Rey Pumaloy)


