Isinilang na ni Rere Madrid ang kanilang unang anak ng basketball player na si Kai Sotto.
Ibinahagi ni Kai sa kanyang Instagram Stories nitong Martes, Setyembre 29, ang masayang balita.
Nag-post ang Japan B.League player ng larawan ni Rere na nasa hospital bed at nilagyan ito ng simpleng mensaheng, “TYL.”
Ibinahagi naman ni Rere ang isang video kung saan makikitang karga ni Kai ang kanilang bagong silang na baby boy.
Makikita rin sa video ang matamis na pagngiti ng basketball star nang saglit siyang tumingin sa camera bago muling ituon ang atensiyon sa kanilang baby. (IS)


