Pinoy rock kasama ang vocal powerhouse ng The Dawn na si Jett Pangan ang pambungad ng programang “Sessions With Brian Yamsuan” ng Bilyonaryo News Channel sa buwan ng Oktubre.
Huwag palagpasin ang espesyal na episode kasama ang rock icon na isa sa humubog at naglatag ng daan tungo sa pagsibol ng Pinoy alt-rock sa bansa. Abangan ang mga kantang nilikha at pinasikat ni Jett Pangan bilang solo artist at bilang lead vocalist ng The Dawn.
Sa kanyang mga kuwento, dadalhin tayo ni Jett sa panahon bago siya maging miyembro ng The Dawn hanggang sa kasikatan ng kanilang iconic na banda na patuloy pa ring namamayagpag ngayon mula nang ito ay mabuo 40 taon na ang nakalilipas.
Abangan ang gabing ito ng pagbabalik-tanaw at inspirasyon ngayong Biyernes, Oktubre 2, 10:30 ng gabi sa Bilyonaryo News Channel.
Mapapanood rin ang Sessions With Brian Yamsuan sa Free TV Channel 31, Cignal Channel 24, Converge Channel 74, Skycable Channel 33, Samsung TV Plus, TCL Smart TVs, Cignal Play, at mapapakinggan sa 94.7 FM—Ang Best Friend Mo.


