Kanselado ang nakatakdang impeachment trial bukas, Setyembre 30.
Ayon sa opisyal na abiso mula sa Senate impeachment court, ang paglilitis para sa kaso laban kay Vice President Sara Duterte ay muling ipagpapatuloy sa Huwebes, Oktubre 1, 2026, ng alas-10 ng umaga.
Ang kautusan ay inilabas nitong Setyembre 29 ni Clerk of Court Atty. Renato Bantug Jr. sa bisa ng utos ng impeachment court.
Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang inilalabas na dahilan ang Senate impeachment court. (IS)


