WebClick Tracer

Ilang tulog na lang sana: Moira Dela Torre concert biglang postponed

Ilang tulog na lang sana ang hinihintay, ngunit biglang inanunsiyo nitong Martes ang postponement ng first solo concert sa MoA Arena ni Moira Dela Torre. Hindi naman nilinaw ng concert producer kung ano ang dahilan sa pagkapurnada nito.

“We regret to announce that the MOIRA: ‘Where It All Started’ concert scheduled for October 4, 2026 at SM Mall of Asia Arena has been postponed for next year,” pahayag ng Ovation Productions sa kanilang Facebook page nitong Setyembre 29.

Humingi pa ito ng paumanhin at pang-unawa sa publiko.

“We sincerely apologize for any inconvenience this may cause. Further details regarding new dates and other updates are yet to be announced,” dagdag pa sa statement nito.

Maaari naman umanong humiling ng refund ang mga nakabili na ng concert ticket nito. Umaasa itong sa susunod na taon ay matutuloy na ito.

Nakagugulat na kulang isang linggo na lang sana ay gaganapin na ito. Todo pa naman ang promote ni Moira sa kanyang concert.

“I cant believe i’m having a solo concert at the MOA Arena for the first time. See u on October 4.”

“Hihintayin kita sa MOA Arena sa October 4, ok?”

Ilan lang ito sa mga post ni Moira bago nga biglang i-postpone ang kanyang concert.

Samantala, isang cryptic message naman ang pinost ng singer.

“Jusko, eto na naman tayo… paikot ikot lang sa kahapon… eh wala naman na tayo don,” post ni Moira nitong Setyembre 28.

Maaaring lyrics ito ng bagong kanta na isinusulat ng singer, o naglalabas lang ito ng kanyang nararamdaman nang mga oras na iyon.

Ayaw namang tantanan ng mga basher si Moira.

“Kaumay din ay puro ka problema moira,” komento ng isang netizen.

“Help paano po mawalan ng problema,” reply naman dito ni Moira.

“Pa victim na naman,” hanash pa ng isang netizen.

“Nag post lang naman po ako ng lyrics pano naging pa victim,” reaksyon naman ng “Paubaya” singer.

Wala pang pahayag sa ngayon si Moira kung ano ang dahilan ng biglang pagkapurnada ng kanyang nalalapit na concert. (Jun Lopez)