WebClick Tracer

Hand gesture ni Baste Duterte sa impeachment trial, nag-viral

Nag-viral sa social media ang hand gesture ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte sa pagdalo niya sa Senate impeachment court.

Dumating sa Senado si Mayor Baste nitong Martes, Setyembre 29, upang tumestigo sa impeachment trial ng kanyang ate, si Vice President Sara Duterte.

Ginawa ng alkalde ang naturang hand gesture habang tinatanong siya ni Atty. Theodore Te.

Sa naturang pagdinig sinabi niyang wala siyang alam o ideya tungkol sa GenCorp Industries Inc. na iniuugnay kay VP Sara.

Nalaman lamang daw niya ang tungkol sa GenCorp nang mabanggit ito sa impeachment trial. (IS)