WebClick Tracer

‘Forgotten Island’ kumita ng P97M sa opening weekend

Malakas ang naging debut ng DreamWorks Animation film na “Forgotten Island” sa Pilipinas matapos kumita ng P97 milyon sa opening weekend.

Nagtala ito ng pinakamalaking opening weekend para sa Universal Pictures Philippines, kung saan nalampasan nito ang P80 milyon na opening ng “The Odyssey”.

Nagtala rin ito ng bagong record para sa para sa isang non-franchise animated film sa kasaysayan ng Philippine box office.

Ang pelikula ay dinerehe nina Direk Joel Crawford at Direk Januel Mercado, kung saan binigyang-boses nina Grammy at Academy Award-winning singer H.E.R. at aktres na si Liza Soberano ang mga bida.

Tampok sa pelikula sina Jo at Raissa, dalawang matalik na magkaibigan na napadpad sa mahiwagang isla ng Nakali, kung saan sila nakatagpo ng mga nilalang mula sa Filipino mythology. (AM)