WebClick Tracer

EJ Obiena sinungkit ika-3 gold ng ‘Pinas, may bagong Asian Games record pa

Muling pinatunayan ni EJ Obiena na siya ang dapat abangan sa men’s pole vault competition matapos magbigay ng ikatlong gintong medalya sa Team Philippines sa 2026 Asian Games sa Japan.

Nasungkit ni Obiena ang gold medal matapos lampasan ang 5.91 metro sa men’s pole vault competition nitong Martes, Setyembre 29, sa Nagoya City Mizuho Park Athletic Stadium.

Hindi naging hadlang kay Obiena ang malakas na ulan para maidepensa ang kanyang titulo sa Asian Games.

Sa kanyang huling attempt, nabasag niya ang sarili niyang Asian Games record at nakuha ang kanyang ikalawang sunod na gold medal sa quadrennial meet, na una niyang nakamit sa Hangzhou noong 2023.

Nauna nang nakasiguro si Obiena sa gold nang siya lamang ang nakalampas sa 5.75m.

Gayunman, sinubukan pa rin niyang basagin ang Asian Games record matapos mabigo sa unang dalawang pagtatangka sa 5.80m.

Sina Chinese pole vaulters Jie Yao at Chenyang Li ay parehong umabot lamang sa 5.70m para makuha ang silver at bronze medal, ayon sa pagkakasunod. (IS)