WebClick Tracer

DOTr muling nagbigay ng libreng sakay

Muling nag-deploy ng mga sasakyan ang Department of Transportation (DOTr) at iba pang ahensya ng gobyerno para magbigay ng libreng sakay sa mga commuter nitong Martes, Setyembre 29.

Isasagawa ang libreng sakay mula alas-6 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi sa gitna ng tigil-pasada ng ilang transport group.

Kabilang sa mga rutang may libreng sakay ang Pasig Palengke-Quiapo, Litex/Doña Carmen-Philcoa, Taft Buendia-Welcome Rotonda, Cubao-Fairview at Galleria-Taytay, kabilang ang mga pabalik na biyahe.

Ayon kay Transportation Secretary Giovanni Lopez, layunin ng operasyon na matiyak na may masasakyang pampublikong transportasyon ang mga pasahero sa kabila ng tigil-pasada.

Katuwang ng DOTr sa operasyon ang Office of the President (OP) at Department of Economy, Planning and Development (DEPDev). (AC)