Nagpahayag ng kahandaan ang Department of Migrant Workers (DMW) na tulungan ang mga Pilipinong naapektuhan matapos maaksidente ang isang tour bus sa Germany.
Ayon sa Philippine Consulate General in Frankfurt, bumibiyahe ang 33 Pilipino mula Milan patungong Munich nang mangyari ang insidente.
Dalawa ang nasawi, habang 17 ang nagtamo ng malubhang pinsala at 13 ang ginagamot dahil sa minor injuries, ayon sa German police.
“The Department of Migrant Workers (DMW) extends its concern and sympathy to the Filipinos affected by the bus incident in southern Germany, particularly overseas Filipino workers (OFWs),” anang DMW.
Handa rin umanong tumulong ang DMW sa pamamagitan ng Migrant Workers Office (MWO) Berlin at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Consulate General in Frankfurt, para sa mga apektadong OFW at kanilang pamilya. (AC)


