WebClick Tracer

David Licauco inilantad kakulitan sa bagong ka-love team na si Ashtine Olviga

Sina David Licauco at bagong ka-love team na si Ashtine Olviga sa media launch ng Fight for My Way

Naging masaya dahil napuno ng kulitan at tawanan ang grand media launch ng pinakabagong big romcom series production ng Viva One na pinamagatang “Fight for My Way”, isang Pinoy adaptation na original Korean series.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay magtatambal sina David Licauco at Ashtine Olviga, pati sina McCoy De Leon at Aubrey Caraan.

Sa October pa magsisimula i-shoot ang serye pero parang magkakaibigan na ang apat sa ipinakita nilang vibe sa media at vlogger.

Sabi nga ni Ashtine, tahimik ang pagkakakilala nito kay David pero natuwa sya sa mga palitan nila ng biruan.

Bagamat nagkaroon sila ng workshop sa kuwento pa rin ni Ashtine, at nag-dinner silang lahat kabilang ang director at ibang staff ng production, hindi akalain ng aktres na makulit, may punch line at nagju-joke si David.

Sa tanong kung handa ba si Ashtine na ma-link kay David, tugon naman nito na expected na raw ito.

“Kasi po normal naman sa industry yan. Pero ako focus ako sa work ko, at si David ganun din naman sya.

“Hindi po ako naniniwala na porket magka-tambal kami for this project we have to act na may something off cam.”

Hindi na-starstruck kundi “na-amaze” raw si Ashtine kay David na kahit napakatahimik ay mabait ito sa kanya.

Excited si Ashtine na makasama si David dahil magpapaturo raw sya kung paano magtayo ng business.

Mahaba-haba ang tatakbuhin ng serye na tina-target na maipalabas sa November. (Rey Pumaloy)