Nagsilang na ng kanilang baby boy ang aktres na si Rere Madrid. Sa social media post nila ng mister niyang si Kai Sotto nitong Martes ay makikitang masayang kalong na ni Kaiju ang kanilang anak.
“TYL,” nakalagay namang text sa Instagram stories ni Kai nitong Setyembre 29, kung saan makikitang nasa hospital bed si Rere at tapos nang manganak.
Sumunod niyang story ay video naman niya habang masayang karga at tinititigan ang kanilang baby boy.
Ang video ni Kai bilang isang proud daddy ang siya ring ishinare ni rere sa kanyang Facebook post.
Bumaha naman ng congratulations sa comment section ng kani-kanilang post.
“A blessing I will love, nurture and protect with everything I have,” ayon pa sa IG story ni Rere sa pagdating sa mundo ng kanilang anak na lalaki. (Jun Lopez)


