Naging klaro na umano sa prosecution team na nagkaroon ng conflict of interest sa pagnenegosyo ni Vice President Sara Duterte sa Davao City Hall pa lamang, na isa umanong impeachment offense.
Ito ang nabatid kay prosecution at adviser Robert Ace Barbers matapos maestablisa na nakakuha ang Gencorps Industries Inc., ng P33 milyong kontrata sa Davao City Hall na kung isasama aniya ang iba pang ahensya ng gobyerno tulad s Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) Region XI ay aabot ng P35 milyon.
Ayon sa mambabatas, idineklara ng pangalawang pangulo sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) noong 2024 at 2025 na pag-aari niya o shareholder sa Gencorpors.
“Ang nakakagulat dito, is that niya niyang kanya yung kumpan niya o may shareholdings diyan pero nakakakuha ito ng kontrata sa city hall ng Davao na kung saan yung head ng procuring entity ay kanyang kapatid, yung mayor,” ani Barbers.
“So meron talagang klarong conflict of interest. Kung impeachable offense ang pag-usapan natin, I think that’s already a betrayal of public trust. So maliwanag yun na meron talagang violation sa ating saligang batas, therefore Impeachable offense,” dagdag pa ng dating mambabatas.
Inamin ni Barbers na bagama’t hindi nakakagulat ang halaga para sa iba dahil umaabot lamang ito ng P33 milyon subalit ang kapansin-pansin aniya ay nagsimulang lumaki aniya ang nasabing kumpanya noong maging pangalawang pangulo si Duterte noong 2022 hanggang 2025.
“So napakalaking halaga na nakita natin na mukhang napaboran ng napaboran nung panahon na nakaupo siya bilang bise presidente,” dagdag pa ni Barbers.
Idinepensa din ng dating mambabatas ang isyu sa mga baril ng pangalawang pangulo at mister nitong si Atty. Manases Carpio na tinalakay sa impeachment court dahil pinatunayan lamang umano ng prosecution na may mga ari-arian ang mag-asawa na hindi idineklara sa kanyang SALN na isa rin aniyang impeachment offense. (Bernard Taguinod)


