Nagdeklara ang pamahalaang panlalawigan ng Camarines Sur ng state of calamity dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue sa lalawigan.
Ayon sa Provincial Government of Camarines Sur, as of Setyembre 24, umabot na sa 1,233 ang kumpirmadong kaso ng dengue at 18 ang naiulat na nasawi. Pinakamarami umano ang kaso sa Bato, Nabua at Pili.
Kasunod nito, inatasan ni Camarines Sur Governor Lray Villafuerte ang mga lokal na pamahalaan na gamitin ang kanilang mga resources upang mapigilan ang pagkalat ng sakit.
“We are mobilizing our resources. We have directed our PHO and PDRRMC to strengthen surveillance, enhance spot monitoring, prepare hospitals for possible surges, determine bed and emergency capacity, strengthen referral coordination, preposition needed supplies and resources, and ensure na ang bawat munisipyo, barangay na nangangailangan ng asistensya ay tutulungan po natin sa abot ng ating kakayahan,” ani Villafuerte.4
Hinimok din ang mga residente na paigtingin ang paghahanap at pagsira sa mga pinamumugaran ng lamok at sundin ang “Alas Kwatro Kontra Mosquito” at 4Ts na kinabibilangan ng taob, taktak, tuyo at takip. (AC)


