Mananatiling kapwa-akusado ni Senador Jinggoy Estrada si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan sa kanyang kinahaharap na graft case.
Ito ay matapos ibasura ng Sandiganbayan Second Division ang motion for reconsideration ng prosecution na alisin si Bonoan sa kaso.
Nag-ugat ang kaso sa umano’y pagsasabwatan nina Bonoan at Estrada upang maisama sa 2025 budget ang mga flood control project sa Bulacan, kung saan umano nakakuha ang senador ng P213.7 milyong kickback.
Ang ruling ay hiwalay sa kasong plunder ni Bonoan, kung saan pinagbigyan ng Sandiganbayan Fifth Division ang kanyang discharge bilang akusado upang maging state witness. (AC)


