Trending agad ang unang araw ng paramdam nina Bianca De Vera, Dustin Yu para sa bago nilang pelikula, ha! Patunay lang na hindi pa rin kumukupas o humuhupa ang kasikatan nila sa kanilang mga faney.
Na buong-buo pa rin ang mga faney nila, at hindi pa nababawasan, katulad ng nangyari sa ibang kasabayan nila.
Sabi nga ng Regal Entertainment admin, first day pa lang ng shooting, ang dami na agad ganap.
“May script, may blocking, may feelings na wala sa call sheet! First day pa lang ng shooting, may tanungan na agad,” sabi pa tungkol sa pelikula ng DustBia na ‘Ba’t Di Na Lang Tayo?’
“Kelan kaya ang sagot?” pabirong tanong ni Dustin, na ang dating sa mga faney ay kung kailan siya sasagutin ni Bianca.
At marami naman ang nagsabi, na parang totoo naman na magdyowa na silang dalawa, na matagal na raw binitawan ni Bianca ang matatamis niyang ‘oo’.
Pero siyempre, grabe ang tuwa ng mga DustBia fans.
“Grabe fantasy lang namin ito dati na magkaroon sila ng sarili nilang pelikula, ngayon heto na gumigiling na ang camera sa kanila.”
“Sobrang saya, heto na talaga.”
“So excited. God bless you DustBia.”
“Let’s go DustBia.”
“Nakakaiyak naman, sobrang excited na kami.”
“Literal na nakakaiyak ito, ang tagal naming hinintay ito.”
“Hindi kami susuko sa pagsuporta sa inyo, ngayon pa na pinagbigyan ang hiling namin na pelikula niyo.”
Anyway, ang dami namang nag-comment na ngayon pa lang ay nag-iipon na sila ng datung para lustayin sa mga block screening ng DustBia.
Bongga! (Dondon Sermino)


