Dumating na sa Senado si Davao City Mayor Baste Duterte nitong Martes para tumestigo sa impeachment trial laban sa kanyang kapatid na si Vice President Sara Duterte.
Pagdating sa Senado, dumiretso si Baste sa holding room para sa mga testigo ng impeachment court bago ang kanyang nakatakdang pagharap sa paglilitis.
Inaasahang magbibigay siya ng testimonya kaugnay ng Article II ng Articles of Impeachment na tumatalakay sa alegasyon ng unexplained wealth laban sa pangalawang pangulo.
Partikular na tatalakayin sa kanyang pagtestigo ang mga idineklarang business interes ni Vice President Duterte at ang koneksyon ng GenCorp Industries Inc. sa kanilang pamilya.
Si Baste ay kabilang sa mga testigo ng prosecution panel sa impeachment trial. (AM)


