Dumating sa Senado si dating Senador Antonio Trillanes IV nitong Martes para dumalo sa ika-31 araw ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Kasabay ng pagdalo bilang guest ni Trillanes sa Senado ang nakatakdang pagtestigo ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte, kapatid ng pangalawang pangulo.
Una nang naiulat na inaasahang magbibigay ng testimonya si Mayor Duterte kaugnay ng Article II ng Articles of Impeachment, na tumatalakay sa alegasyon ng unexplained wealth laban sa pangalawang pangulo.
Kasama rito ang mga idineklarang business interes ni Vice President Duterte at ang koneksyon ng GenCorp Industries Inc. sa kanilang pamilya.
Samantala, isa si Trillanes sa mga testigong planong iharap ng prosecution para sa parehong article.
Gayunman, wala pa siyang subpoena mula sa impeachment court at wala pang itinakdang petsa kung kailan siya haharap sa witness stand. (AM)


