WebClick Tracer

Aby Maraño ‘peaceful’ ang retirement dahil may ipon, negosyo

Walang pangamba sa buhay si dating volleyball star Aby Maraño matapos ang kanyang retirement dahil pinaghandaan niya ito nang maaga.

Sa panayam sa “Net Flicks” ng Abante, sinabi ng two-time UAAP MVP na nakaramdam siya ng kapayapaan nang tuluyan na siyang magpaalam sa volleyball.

Bago pa man daw siya nag-retire, sinabi ni Maraño na nakaayos na ang kanyang buhay at may plano na siya para sa susunod na chapter.

“Hindi ko na-feel ‘yung parang… alam mo ‘yung tayong mga atleta parang a-absent ka or ‘pag hindi ka mag-eensayo hindi ka mapakali… wala akong ganoon. May kapayapaan talaga,” saad niya.

“After few days na wala nang volleyball, naka-ready na ako to enter the corporate [world].

“Kaya nga sabi ko, prior to my decision na mag-retire, I’ve made peace with my heart na already. So the time na wala na talaga totally si volleyball, may kapayapaan sa puso ko,” dagdag pa niya.

Nakapag-ipon, nakapagpundar at nakapag-business na raw siya habang naglalaro pa.

Dagdag niya, hindi rin siya maluho kaya hindi naging mahirap para sa kanya ang adjustment sa buhay-retirement.

“Right now, maayos ang financial natin kasi hindi rin ako… ‘yung lifestyle ko hindi ko rin itinaas. Ang pera ko sine-save ko siya para sa mga investment at saka negosyo. Hindi ako ‘yung tipo na masyadong high-maintenance o maluho sa gamit,” sey pa ni Tyang Aby.

Sa ngayon, kabilang daw sa kanyang mga negosyo ang home service massage na Kalma HSM, water station at botika.

Panoorin ang buong panayam kay Tyang Aby sa September 29 episode ng “Net Flicks”.

Mapapanood ang programa sa Free TV: Channel 31, Cignal: Channel 24, Samsung TV Plus, TCL Smart TV, Cignal Play, at sa official YouTube and Facebook pages ng DWAR Abante Radyo. (IS)