WebClick Tracer

Aby Maraño may bagong special someone

Kumpirmadong may bagong special someone ngayon ang two-time UAAP MVP na si Abby Maraño!

Inamin niya ito sa programang “Net Flicks” ng Abante.

Sey ni Aby, exclusively dating siya ngayon at iba umano ang personalidad ng kanyang dini-date kumpara sa mga nakarelasyon niya noon.

Isa raw sa mga natutunan niya sa kanyang mga dating relasyon ay ang pagiging mas pribado pagdating sa taong mahalaga sa kanya.

Aniya, mas gusto niya ngayong pahapyaw lamang na makita ng ibang tao ang kanyang special someone at hindi na ibahagi ang lahat ng detalye tungkol dito.

“Mas gusto kong ‘yung bagay na very precious to me ay hindi malaman ng ibang tao para they don’t have control over it, to destroy it. “

Samantala, ibinahagi rin ni Aby ang ilan sa mga katangiang hiniling niya sa kanyang magiging bagong karelasyon. Kabilang daw dito ang pagiging matangkad, may trabaho at may seguridad sa sarili.

Higit sa lahat, nais umano niya ang isang lalaking hindi muling magpaparamdam sa kanya na kabiguan ang magmahal muli.

“And sana ‘yung companionship maramdaman ko sa kanya,” sabi pa niya.

At sa ngayon, mukhang pasok sa banga ang lalaking kanyang dini-date.

“Check naman siya lahat so far,” saad ni Aby.

Panoorin ang buong tsikahan with Tyang Aby sa September 29 episode ng “Net Flicks”!

Mapapanood ang programa sa Free TV: Channel 31, Cignal: Channel 24, Samsung TV Plus, TCL Smart TV, Cignal Play, at sa official YouTube and Facebook pages ng DWAR Abante Radyo. (IS)