Ibinunyag ng two-time UAAP MVP at dating Philippine women’s volleyball team captain na si Aby Maraño kung paano siya naging “Beast Mode Don’t Care Queen” noong naglalaro pa siya para sa De La Salle University Lady Spikers.
Sa panayam sa “Net Flicks” ng Abante, ikinuwento ni Maraño na nagsimula ang konsepto noong college pa siya at naglalaro para sa De La Salle University.
Naging bahagi raw iyon ng kanyang mindset tuwing nasa loob ng volleyball court.
Ayon kay Maraño, kapag nasa court na siya, talagang naka-focus lamang siya sa laro at sa mga utos ni Coach Ramil at ng kanyang teammates.
“Beast Mode” umano ang tawag niya rito dahil nais niyang ma-intimidate ang kalaban at ipakitang hindi siya basta mapapatumba.
Hindi rin umano niya iniintindi ang mga reaksiyon ng crowd, kahit pa siya ay i-boo o murahin habang naglalaro.
Para kay Maraño, bahagi lamang ito ng kanyang strategy bilang isang atleta at hindi dapat personalin ng kanyang mga kalaban.
Iba rin umano ang kanyang personality sa loob at labas ng court.
Panoorin ang buong panayam kay Tyang Aby sa September 29 episode ng “Net Flicks”.
Mapapanood ang programa sa Free TV: Channel 31, Cignal: Channel 24, Samsung TV Plus, TCL Smart TV, Cignal Play, at sa official YouTube and Facebook pages ng DWAR Abante Radyo. (IS)


