Aabot umano sa 74 milyon ang registered voters na posibleng makaboto sa 2028 elections, ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Ayon kay Comelec Chairperson George Garcia, inaasahang madaragdagan ng tatlong milyon ang bilang ng mga rehistradong botante pagsapit ng 2028.
“We are projecting an additional three million voters. Kung sakasakali po, pagdating po ng 2028, meron po tayong 74 million [voters],” ani Garcia sa budget hearing ng Comelec sa Senado nitong Setyembre 28.
Inaasahan din aniyang madaragdagan ng isa pang milyon ang mga botante pagsapit ng Nobyembre 2028 para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections. (IS)


