Umabot sa 22 bagong kaso ng Influenza-Like Illness (ILI) ang naitala sa Maynila, batay sa pinakahuling datos ng Manila Health Department nitong Martes.
Batay sa Daily Reporting W.I.L.D. Diseases, nasa 1,977 na ang kabuuang bilang ng mga kaso ng ILI sa lungsod mula Enero 1 hanggang Setyembre 29 ngayong taon.
Kasabay nito, nakapagtala rin ang lungsod ng 20 bagong kaso ng dengue, anim sa Severe Acute Respiratory Infection (SARI), apat sa leptospirosis, at isa sa typhoid fever.
Hinikayat naman ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga residente na agad magpakonsulta kapag nakakaramdam na ng sintomas ng mga W.I.L.D disease.
“Kaya mga Batang Maynila, huwag nating hintayin na lumala ang sintomas. Kung may nararamdaman, magpakonsulta agad sa pinakamalapit na health facility,” ani Moreno. (AM)


