Panahon na para aksyunan ng impeachment court ang patuloy na paglabag ni Vice President Sara Duterte sa sub judice rule, dahil kung hindi at patuloy umano nitong aatakihin ang nasabing korte na naglilitis sa kanya.
Ginawa ni prosecution spokesman Atty. Benjamin Tolosa Jr., matapos tawagin umano ng pangalawang pangulo na ‘sarsuwela’ ang impeachment trial na ayon sa abogado ay panibagong pag-atake sa Impeachment court.
“So again, I think ito ho siguro yung problema kapag hindi nako-call-out yung mga ganitong statements ng Bise Presidente. Hindi lang ho ito first time na nangyari ito. Tandaan natin bago ito, sinabi nga niya na hawak ng Presidente ang mga senador, Huwes, fiscal in the context of impeachment proceedings,” ani Tolosa.
“Ngayon naman, ito na naman sasabihin niya isa lang tong sarsuela. Obviously, it’s an attack against the integrity of the court. And makikita din natin consistent with her attacks against the court,” dagdag pa ni Tolosa.
Bukod kay Duterte ay inaatake din umano ng spokesman ni Duterte na si Atty. Paolo Panelo ang Impeachment Court nang sabihin nito na “nagkakalolokohan” na umano sa Impeachment Court dahil sa desisyon ng mayorya sa isyu ng conviction threshold.
“Yun ang point namin na kung merong mas importanteng violation ng sub judice rules, ito ho ang mas dapat tignan. Hindi lang to violation ng sub judice, even contempt of court. Again, these statements are not just inflammatory but they attack the integrity of the court. Kaya ito, we cannot take this lightly,” ani Tolosa.
Inamin ni Tolosa na masama ang epekto ng mga pag-atakeng ito ng pangalawnag pangulo at maging ang kanyang spokesman na si Panelo sa Impeachment Court dahil kinokondisyon umano ng mga ito ang isip na kapag hindi pabor sa kanila ang mga magiging hatol ng impeachment court ay hindi dapat paniwalaan.
“Again pinapakiusap namin dito, equal application of the rules, pakita natin dito na wala hong iniilaga kahit sino na saklaw nung rules ng impeachment proceedings na ito dapat iapply ho natin yan with equal force, equal strength, kung magiging strikto tayo, dapat parepareho yun sa lahat,” ani Tolosa. (Bernard Taguinod)


