Itutuloy ng aktor na si Vhong Navarro ang mga legal na hakbang matapos iutos ng Court of Appeals ang pagpapalaya kina Deniece Cornejo at Cedric Lee.
Sa isang pahayag ng abogado na si Alma Mallonga, nananatili umano ang tiwala ni Navarro sa justice system at gagamitin ang lahat ng legal na remedyo.
“He is prepared to fully accept the result of that process when it finally ends,” ayon pa kay Mallonga sa isang mensahe sa ABS-CBN.
Una nang iniulat na binago ng Court of Appeals ang hatol kina Lee at Cornejo, mula serious illegal detention for ransom tungo sa grave coercion. (AM)


