WebClick Tracer

Trillanes ibibitin muna ng prosekusyon sa impeachment trial

Ibibitin ng prosecution team ang pagpapaharap ng mga ito kay dating Sen. Antonio Trillanes IV bilang testigo ukol sa hindi maipaliwanag na yaman umano ni Vice President Sara Duterte.

Ito ang nabatid kay prosecutor at Bicol Saro party-list Rep. Terry Ridon dahil uunahin umano ng mga ito pagpresenta ng mga documentary evidence hinggil laban sa pangalawang pangulo hinggil sa article 2 o unexplained wealth at paglabag sa Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN).

Ayon sa mambabatas, uunahin muna nilang iharap sa witness stand ang mga opisyals ng the Land Registration Authority- Register of Deeds (RD) at Anti-Money Laundering Council (AMLC) bago iharap si Trillanes.

“Sa tingin ko mas mahalaga po na unahin muna natin iyong mga documentary exhibits. For example, iyong sa RD at sa AMLC,” ani Ridon.

“Iyong pagkakasunod-sunod naman ho, we can change it in the middle of presentation. As the Court asked for additional witnesses this, we may present the Sen. Trillanes after the first set of witnesses,” dagdag pa ng mambabatas.

Alam ng prosecution na inaabangan ng taumbayan ang pagharap ni Trillanes sa Impeachment court dahil siya ang unang nagsiwalat na merong bank accounts n naglalaman ng P2 ang mga Duterte na hindi idineklara sa kanilang SALN.

Noong Abril, nagsumite din ng sinumpaang salaysay si Trillanes sa House committee on justice ukol sa transaksyon sa isang bangko umano ng mga Duterte na kalaunan ay kinumpirma ng AMLC ang bank accounts number.

Kabilang sa tinukoy ni Trillanes ang tatlong transaksyon na nagkakahalaga ng P22.3 million na mula umano sa isang Samuel “Sammy” Uy kay Duterte mula 2011 hanggang P2013.

Gayunpaman, hindi pa maririnig at mapanood ng taumbayan ang pagtestigo ni Trillanes sa mga susunod na mga araw bagma’t kasama na ito sa ipina-subpoena ng prosecution team sa Impeachment Court. (Bernard Taguinod)