Simula ala-una ng hapon ngayong Lunes, Setyembre 28, ay suspendido ang pasok sa lahat ng tanggapan ng gobyerno bilang selebrasyon ng National Family Week.
Batay sa Memorandum Circular no. 136 na nilagdaan ni Executive Secretary Ralph Recto, suspendido ang trabaho sa lahat ng ahensiya ng pambansang pamahalaan, kabilang na ang government-owned and controlled corporations at state universites and colleges simula ala- una ngayong hapon.
Bilang bahagi ito ng pag-obserba sa 34th National Family Week at mabigyan ang mga pamilyang Pilipino ng pagkakataon na makilahok sa mga programa at aktibidad para sa araw na ito.
Gayunman, hindi kasali sa suspensiyon ng trabaho ang mga tanggapan ng gobyerno na naghahatid ng mga pangunahing serbisyo at health services, mga tumutugon sa mga kalamidad at iba pang mahahalagang serbisyo.
Dahil dito, mapapaaga ang pag-uwi ng mga kawani ng gobyerno ngayong araw ng Lunes. (Aileen Taliping)


