Habang patuloy na sumisipa ang presyo ng gasolina at diesel, muling nanawagan si Navotas Representative Toby Tiangco na isaalang-alang ang pansamantalang suspensyon ng VAT sa lahat ng produktong petrolyo.
Nais ni Tiangco na muling pag-aralan ang House Joint Resolution No. 4 na inakda at isinumite niya sa Kamara noong March 3, 2026, na humihiling sa Pangulo na pansamantalang suspendihin ang VAT sa fuel.
Ayon kay Tiangco, layunin nitong maibsan ang pasakit sa publiko dulot ng patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina at diesel na bunsod umano ng krisis sa Gitnang Silangan.
Binanggit din ng kongresista ang moral issue sa patuloy na pagtaas ng koleksyon ng gobyerno habang patuloy namang nahihirapan ang mga tao sa mataas na presyo ng petrolyo.
Panawagan niya, muling isaalang-alang ang HJR No. 4 bilang agarang hakbang para mabawasan ang epekto ng mahal na fuel sa publiko. (Cherk Balagtas)


