WebClick Tracer

TJ Monterde ‘gentle at rough’ ang atake sa lampungan kay KZ Tandingan

Kaloka rin ang kuwento nina KZ Tandingan at TJ Monterde, ha! Aba, hindi nga sila nagpatalbog sa chikahan nila kay Vice Ganda.

Inurot nga kasi ni Vice Ganda ang dalawa sa kanilang buhay mag-asawa, kabilang na rito ang kanilang intimate moments bilang husband at wife, ha!

At pinagmalaki pa nga ni ni KZ na gentle at rough ang atake ni TJ sa kanilang lampungan.

“He was gentle when it mattered and he was gentle when he had to. He was gentle when he had to and rough when he did,” ang nakakalokang chika pa ni KZ, na ikinagulantang ng kanyang hubby na si TJ, at pati na rin ni Vice.

Pag-amin pa nga ng dating ‘X Factor PH’ singer ay virgin pa siya noong maging sila ni TJ. Inusisa nga kasi ni Vice ang tungkol doon.

“Huy si announce! Yeah, okay whatever. Yeah I was a virgin. So lahat ng alam ko, galing din sa kanya,” nakakalokang pag-amin pa nga ni KZ.

Sabay hirit naman ni Vice kay TJ nang, “Ang taray! Hindi ka lang composer, mentor ka pa!”

Kakaloka, ‘di ba? Naku marami-rami pang pinag-usapang unfiltered ang mag-asawang TJ at KZ na hindi nakalusot sa free TV episode nito sa ‘Gandang Gabi Vice: Unfiltered’ na mapapanood nga exclusively via iWant subscription.

Bongga! (Dondon Sermino)