Tuloy ang pagtakbo ni Vice President Sara Duterte sa pagka-pangulo ng Pilipinas sa 2028 sa kabila ng umano’y “panggigipit” sa kanya.
Ayon kay Atty. Paolo Panelo, spokesperson ng bise presidente, desidido si Duterte na tumakbo sa 2028.
Hindi rin umano opsiyon para kay Duterte ang pagbibitiw sa kanyang puwesto dahil ibinoto at pinagkatiwalaan siya ng taumbayan.
Sinabi rin ni Panelo na mas ikinababahala umano ngayon ng bise presidente kung magkakaroon ng eleksiyon sa 2028.


