WebClick Tracer

Romualdez naghain na ng petition for bail sa Sandiganbayan

Pormal nang naghain ng petition for bail si dating House Speaker Martin Romualdez sa pamamagitan ng kanyang abogado nitong Lunes, Setyembre 28, ayon sa Sandiganbayan Third Division.

Ayon sa korte, isinumite ito ng kampo ni Romualdez nitong alas-12:05 ng tanghali.

Itinakda naman ng korte ang pagdinig sa naturang petisyon mula Oktubre 12 hanggang Nobyembre 12, tuwing Lunes, Martes at Huwebes.

Matatandaang nahaharap si Romualdez sa P7.44 bilyong plunder case na inihain ng Office of the Ombudsman kaugnay ng flood control scandal. (AC)