Tingin ng law professor na si Atty. Joel Arzaga, political move ng prosekusyon ang pagpapaharap kay Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte sa impeachment trial upang mailagay siya sa isang mahirap na sitwasyon at matanong tungkol sa mga isyung maaaring hindi niya agad masagot.
Sa programang “Memo with Korina” ng Bilyonaryo News Channel, sinabi ni Arzaga na maaaring layunin ng prosekusyon na i-pressure si Duterte at makakuha ng kontrobersiyal na pahayag mula sa alkalde.
“I think this is a political move on the part of the prosecution. I think they want to put Mayor Baste in an uncomfortable situation para magkaroon sila ng pagkakataon upang tanungin siya ng mga tanong na baka hindi siya handang sagutin. Put him in, put him under pressure, put him in a difficult situation, perhaps to get a controversial statement out of him,” ani Arzaga.
Gayunman, sinabi rin ni Arzaga na kung haharap si Duterte, maaari rin itong maging pagkakataon para sa alkalde na maipakita sa publiko ang kanyang kakayahan bilang lider.
“On the part of Mayor Baste naman, kung siya ay nagpakita mamaya, this is an opportunity for him to have a national platform, to show that he has what it takes to be a national leader. Kasi alam natin lumalabas siya sa mga survey. So, chance din niya ito para ipakitang wala silang itinatago at handa siyang mamuno din sa ating bansa,” saad ng abogado.
Panoorin ang buong panayam sa September 28 episode ng “Memo with Korina”.
Napapanood ang “Memo with Korina” ng 7:30 ng umaga, Lunes hanggang Biyernes sa Free TV Channel 31, Cignal Channel 24, Samsung TV Plus, TCL Smart TV, Blast TV, AmasianTV, Cignal Play, at sa YouTube and Facebook accounts ng BNC. (IS)


