WebClick Tracer

Presyo ng produktong petrolyo matatapyasan sa Sept. 29

Magkakaroon ng malakihang rollback sa presyo ng diesel at kerosene sa Martes, Setyembre 29.

Ayon sa Department of Energy (DOE), mababawasan ng P7.57 kada litro ang presyo ng diesel, habang P5.85 kada litro naman ang ibabawas sa kerosene.

Samantala, bababa rin ng P0.24 kada litro ang presyo ng gasolina.

Ang tapyas-presyo sa mga produktong petrolyo ay kasunod ng hanggang P8.82 kada litrong taas-presyo sa diesel, P6.47 sa kerosene at P4.88 sa gasolina noong nakaraang linggo. (AC)