Humingi ng paumanhin ang Philippine National Volleyball Federation (PNVF) matapos ilabas ni Alas Pilipinas men’s team captain Bryan Bagunas ang kanyang pagkadismaya sa umano’y kakulangan ng suporta bago ang 2026 Asian Games sa Japan.
Sa kamakailang interview, inihayag ni Bagunas na kinapos ang koponan sa transportation at food allowances kaya napilitan ang ilang manlalaro na mangutang sa kanilang mga teammate.
“PNVF extends its sincerest apologies to all our National Athletes for the difficulties they have experienced. Our athletes have dedicated themselves to representing our country, and they deserve nothing less than the full support of the Federation,” pahayag ng PNVF, at nangakong tutugunan ang mga pinansyal nitong obligasyon.
“We recognize the sacrifices our athletes have made, including having to shoulder their own expenses and, in some instances, borrow money. This is a situation that no National Athlete should ever have to endure,” dagdag pa nito.
Ipinaliwanag din ng PNVF na minana ni president Frank Lao, na namuno simula noong Agosto, ang malaking halaga ng mga pananagutan at hindi pa nababayarang obligasyon ng federation. Isinasagawa ngayon ang pagsusuri at accounting ng kanilang financial records.
Ayon sa PNVF, personal na nag-abono si Lao para sa ilang agarang pangangailangan ng national teams, kabilang ang allowances, ticketing at visa requirements ng ilang manlalaro.
“Nevertheless, we agree with Mr. Bagunas. These efforts are not enough,” pahayag pa nito.
Samantala, nangako naman ang PNVF na aayusin ang kanilang financial system, palalakasin ang accountability at uunahin ang pangangailangan ng mga national athlete upang maibalik ang kanilang tiwala. (AM)


