Nagsimula ang Philippine National Police (PNP) ng malawakang information drive tungkol sa online safety bilang bahagi ng kampanya nitong protektahan ang mga netizen laban sa iba’t ibang panganib sa internet.
Ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., layunin nitong palakasin ang crime prevention programs sa mga komunidad at itaas ang kaalaman ng publiko sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga ahensya ng gobyerno, lokal na pamahalaan, at mamamayan.
Isinagawa ng mga cybercrime unit ng PNP ang nationwide campaign mula Setyembre 11 hanggang 18 sa ilang lugar, kabilang ang Quezon, Ilocos Norte, Catanduanes, Aklan, Negros Island Region, Zamboanga City, Sarangani, at ilang bahagi ng Northern Mindanao.
Tinalakay sa kampanya ang mga karaniwang online threat gaya ng online scams, kahina-hinalang links at messages, cyberbullying, maling paggamit ng personal na impormasyon, unsafe online interactions, cybersecurity threats, at online radicalization. (AM)


