WebClick Tracer

Pinky Webb, ‘On Point’ wagi sa AMIA 2026

Wagi sa ALTA Media Icon Awards (AMIA) 2026 ang programa ng Bilyonaryo News Channel na “On Point” at ang host nitong si Pinky Webb!

Nasungkit ng “On Point” ang parangal na Best News Talk Program.

Pinarangalan naman bilang Best News Talk Program Host si Pinky Webb.

Igagawad ang mga parangal sa awarding ceremony ng 7th ALTA Media Icon Awards sa Oktubre 22 sa Ernesto Palanca Crisostomo Hall, University of Perpetual Help System DALTA – Las Piñas campus.

Nauna nang humakot ng kabuuang 19 nominasyon ang Abante at Bilyonaryo News Channel sa AMIA 2026, kabilang ang pagkilala sa mga programa, news personality at digital platform.

Layunin ng AMIA na parangalan ang mga mahuhusay na programa, broadcast personality at network sa telebisyon, radyo at digital media sa Pilipinas.

Isinagawa ang voting period para sa AMIA 2026 mula Setyembre 2 hanggang 11. (AC)