Pinaigting ng Philippine Coast Guard (PCG) ang operasyon laban sa smuggling sa bansa partikular sa mga ilegal na sigarilyo na madalas umanong nahaharang sa southern part ng Pilipinas.
Sa programang “The Commanders” ng Abante, na simulcast sa Bilyonaryo News Channel, sinabi ni Captain Leopoldo Apillanes Jr., commander ng PCG Inspection Detection Management Service, bukod sa mga ilegal na sigarilyo, patuloy rin ang smuggling ng general merchandise, electronics, agricultural products at mga sasakyan.
Dagdag niya, gumagamit ang PCG ng actionable intelligence operations para masubaybayan at mapigilan ang mga aktibidad ng smuggling sa bansa.
Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagtutulungan ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno sa paglaban sa naturang ilegal na aktibidad.
Aniya, sa pamamagitan ng Maritime Domain Awareness, mas napapalawak ang pagbabantay ng mga awtoridad sa mga nangyayari sa karagatan at port area.
Panoorin ang buong panayam sa September 28 episode ng “The Commanders” sa Abante at simulcast sa Bilyonaryo News Channel.
Mapapanood ang programa ng alas-5 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes sa Free TV Channel 31, Cignal Channel 24, Samsung TV Plus, TCL Smart TV, Blast TV, AmasianTV, Cignal Play, at sa YouTube at Facebook accounts ng Abante.


