WebClick Tracer

PBBM target maging number 1 ang ‘Pinas sa reading, math, science skills

Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maging number one ang mga Pilipinong estudyante sa kakayahan sa math, reading at science.

Inihayag ito ng Pangulo matapos kilalanin ang partisipasyon ng mga eskwelahan at educational partners sa Programme for International Student Assessment (PISA) sa dinaluhang aktibidad sa Cory C. Aquino National High School sa Pasay City ngayong Lunes.

Ayon sa Pangulo, natutuwa siyang mayroon nang nakitang pagbabago sa mga estudyante sa bansa partikular sa reading skills, math skills at science skills kaya pinasalamatan niya ang mga guro, mga magulang at lahat ng estudyante na kasama sa testing.

Naging magandang halimbawa aniya ang mga ito sa ginagawang pagbabago at pagpapalakas sa kalidad ng edukasyon at grado ng mga estudyante.

Kaya hangad ng Presidente na maabot ang number one at ipakita ang galin ng mga guro at estudyante sa tulong ng gobyerno kasabay ang paghikayat na ipagpatuloy ang magandang ginagawa sa edukasyon. (Aileen Taliping)