WebClick Tracer

PBBM natawa sa alegasyon ni VP Sara na pinipigilan ang 2028 elections

Tumawa lamang si Pangulong Bongbong Marcos nang tanungin tungkol sa alegasyon ni Vice President Sara Duterte na pinipigilan umano ng administrasyon ang 2028 elections.

Sa isang media interview nitong Lunes sa Pasay City, tinanong si Marcos tungkol sa pahayag ng bise presidente na desperado umano ang administrasyon na pabagsakin siya, isulong ang Charter change at pigilan ang halalan sa 2028.

Hindi nagbigay ng sagot ang Pangulo at tumawa lamang bago umalis sa harap ng mga mamamahayag.

Nauna rito, sinabi ni Duterte na hindi niya kilala ang pulis na si Rodulfo Gracioso Jr. at hindi siya kailanman nakatanggap ng pera mula rito.

Tinawag din ni Duterte na isa umanong “media stunt” ang mga alegasyon ni Gracioso at sinabi niyang desperado ang administrasyon na siya ay pabagsakin.

“The desperation of the administration to bring me down, push for Charter change, prevent the 2028 elections, and cling to power is becoming increasingly diabolical,” pahayag ni Duterte. (IS)