Pormal na ihahain ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) kaagapay ang Akbayan Party-list ang ALAGA Bill sa Kamara sa Martes, Setyembre 29.
Inaasahang dadalo sa aktibidad ang mga kinatawan mula sa PAWS at si Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña, kasama ang iba pang mga tagasuporta ng panukalang batas.
Ang Animal Life Advocacy and Guardianship Act (ALAGA) Bill ay naglalayong amyendahan at palakasin ang Animal Welfare Act sa pamamagitan ng pagtataas ng mga pambansang pamantayan para sa proteksiyon, pangangalaga at kapakanan ng mga hayop.
Kabilang na rito ang pagpapataw ng mas mabibigat na parusa at multa para sa animal cruelty, kapabayaan at pangmamaltrato. (IS)


