WebClick Tracer

Papa’s boy? Erpat ni Anthony kinompronta si Gerald sa basketball game

Viral ngayon sa social media ang umano’y pagkompronta ng ama ni Anthony Constantino sa aktor na si Gerald Anderson matapos ang nangyaring tensyon sa celebrity basketball game sa Cebu.

Nangyari ito noong Setyembre 26 sa SM Seaside Cebu Arena sa laban ng Team Sparkle at Team The 3rd Floor para sa “The Rematch” ng Bida sa Arena celebrity basketball series.

Sa X post ni @kamjagiyas, mapapanood ang napatayong erpat ni Anthony at nakita pang naghuhubad ito ng jacket habang paulit-ulit na sinasabihan si Gerald ng “Don’t do that.”

Makikitang tila naguguluhan si Anderson at tila lalapit sa ama ni Anthony, bago sila mapagitnaan ng mga referee at isang staff member.

Ayon sa post ng netizen, nagkaroon ng pisikalan sa laro dahilan para mag-react ang tatay ni Anthony.

Saad pa ng uploader, “Di naman nagkainitan si gerald and anthony, just the dad lang po but it became okay naman after.”

“To add nalang din, Anthony signaled Gerald not to mind his dad during the whole debacle pero di nga po kasi nagpaawat yung dad kaya inapproach na talaga sya ni Ge,” dagdag pa nito.

Dahil dito, naging usap-usapan online ang pagiging protective ng ama ni Anthony, kung saan pabirong tinawag ng ilang netizen ang aktor na “Papa’s boy”.

Samantala, muling nagwagi ang Team The 3rd Floor sa naturang laban. (AM)