Ikinabahala ng National Citizens’ Movement for Free Elections (Namfrel) ang muling pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na itinakda na sa Nobyembre 2028.
Sa panayam sa programang “On Point” ng Bilyonaryo News Channel, sinabi ni Namfrel National Chairperson Lito Averia Jr., dapat regular at predictable ang halalan para alam ng mga botante kung kailan sila muling makakaboto, lalo na sa barangay level na pinakamalapit sa mga mamamayan.
“Our concern is it’s getting to be a habit, postponing the Barangay and SK elections,” ani Averia kay BNC anchor Korina Sanchez-Roxas.
“We’re saying that elections should be regular and predictable, so that people are not surprised as to when they can go out to vote, especially at the barangay level. Because the barangay government is the closest government to the people,” dagdag niya.
Sinabi rin niya na dahil sa postponement, madadagdagan ng dalawang taon ang termino ng mga kasalukuyang barangay official at SK nang walang panibagong mandato mula sa mga botante.
Nilagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos ang panukalang batas para sa pagpapaliban ng BSKE, kung saan pinalawig din ang termino ng mga nakaupong opisyal ng barangay at SK mula sa tatlong taon patungong limang taon.
Nagsuspinde rin ito sa BSKE sa Nobyembre 2, 2026 patungo sa ikalawang Lunes ng Nobyembre 2028.
Panoorin ang buong panayam sa September 28 episode ng “On Point”.
Mapapanood ang programa tuwing Lunes hanggang Biyernes, 7:30 ng gabi sa Free TV: Channel 31, Cignal: Channel 24, Samsung TV Plus, TCL Smart TV, Cignal Play, at sa official YouTube and Facebook accounts ng BNC. (IS)


