WebClick Tracer

Lord Allan Velasco naghatid umano ng pera kay VP Sara gamit helicopter, RoRo

Dahil sa malalaking halaga umano ng pera na ipinapadala kay Vice President Sara Duterte sa utos ni dating House Speaker Lord Allan Velasco, mistulang hindi na sapat ang paggamit ng kotse sa palihim nitong delivery.

Ayon sa impormasyong eksklusibong nakalap ng Politiko, gumamit umano ng helicopter at mga roll-on, roll-off (RoRo) vessel si dating police officer Rodulfo Gracioso Jr., na naging security detail ni Velasco.

Sinabi ni Gracioso na nagsimula siyang magtrabaho para kay Velasco noong 2018 at nagpatuloy hanggang sa panunungkulan nito bilang Speaker mula 2020 hanggang 2022.

Matatandaan ding kinumpirma rin ng Philippine National Police (PNP) na naging bahagi siya ng security detail ni Velasco.

Ayon pa sa ulat ng Politiko, may larawan si Gracioso na nakatayo sa harap ng isang helicopter na may registration number RP-C8908.

Batay umano sa registration records, nakarehistro ang helicopter sa Misibis Aviation and Development Corp., isang kompanyang iniugnay kay dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co.

Sinabi rin umano ng isang source na maaaring ma-verify ang mga biyahe gamit ang shipping records ng mga RoRo vessel. Maaari rin umanong makatulong ang testimonya ng iba pang saksi para kumpirmahin ang umano’y mga paghahatid ng pera.

Sa affidavit na isinumite sa National Bureau of Investigation (NBI), sinabi ni Gracioso na paulit-ulit siyang naghatid ng mga maleta na naglalaman umano ng P20 milyon hanggang P50 milyon bawat isa sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila, Davao, at iba pang lugar.

Ayon sa kanyang alegasyon, ang mga pera ay nakalaan umano kina Vice President Sara Duterte, dating Pangulong